Tahanan
Tungkol sa Amin
Mga Balita at Pananaw
Mga Klase at Kaganapan
Mga Kasapi ng NAMI
Mga Tagapagkaloob ng Serbisyo
Balitang-Liham
Mga Tanong at Sagot
Kagimitan Para Sh Mga Pamilya
Kagimitan Para Sh Mga Pasiente
Kagimitan Para Sh Mga Veterano
Criminal Justice Resources
Recovery!
Mga Sinusuportahang Programa
Pagbabatas
Mga Katotohanan at Estadistika
Communities
Mga Pahayag at Kaganapan

Tagumpay Sa Paggamot Ng Dobleng Pagsusuri

Ang mga tagapayo sa programa ng County ng Ventura ay nagsasabi na ang programang pinupuri sa bansa ay gumagamot sa pag-abuso ng substansiya at sakit ng isip nang magkasabay.

Mula sa Ventura County Star ni Kathleen Wilson, Disyembre 15, 2007

Habang ang isang malakas na ulan ay bumabagsak isang gabi nitong nakaraang linggo sa kanyang bahay sa Oxnard, si Bryan Herrill ay gumawa ng isang bagay na hindi pa niya nagagawa sa maraming taon ng paglaban sa pagkasugapa at depression.

Kinuha niya ang kanyang elektrik na gitara mula sa imbakan, ikinabit ang mga amplifier at tumugtog hanggang ika-2 ng umaga, nagsimula sa folk rock ni Neil Young at natapos sa punk anthem na "Story of My Life" ng Social Distortion.

"May mga kalyo na naman sa aking mga daliri," sabi niya sa harap ng isang sesyon sa pagpapayo nang sumunod na araw.

Si Herrill, 51, ay nagpakita ng uri ng progreso na hinahanap ng mga therapist sa mga taong nahihirapan sa dobleng atake ng seryosong pag-abuso ng substansiya at seryosong sakit sa isip. Ang kombinasyon ay mahirap kayanin sa buhay at pangkaraniwan: Ang pambansang pananaliksik ay nagpapakita ng 60 porsiyento hanggang 70 porsiyento ng mga taong may malubhang sakit sa isip ay may problema sa pag-abuso ng substansiya.

Ang mga indibidwal ay madalas na bumabaling sa mga droga upang hawakan ang mga damdamin na sinimulan ng ilang uri ng trauma sa kanilang mga nakaraan, pero ang ang mga droga ay maaaring magpalala sa mga sintomas na pangkaisipan, humahantong sa karagdagang paggamit ng droga at kasunod ay karagdagang sakit sa isip.

Hindi rin malinaw kung ang mga isyung pangkaisipan ay lilitaw nang walang mga droga. Maraming nagsimulang umabuso sa mga substansiya mula sa edad na 10 hanggang 13, naapektuhan ang pag-unlad ng utak.

Mga paraang ipinapakitang nagkakabisa

Ngayon ang mga tagapayo ay nagsasabi na ang isang programang pinupuri ng bansa sa County ng Ventura ay nagsimula upang gumawa ng pagkakaiba para sa mga taong naipit sa pag-inog.

Tinatawag na Nakapaloob na Dobleng Pagsusuri na Paggamot, ang programa ay kinilala sa taong ito dahil sa kung gaano kahusay na isinasama nito ang tinatawag na "mga pinakamahusay na gawain" — mga paraan na ipinapakitang mabisa.

Isa ito sa apat na binanggit para sa namumukod na gawain sa mga programang dobleng pagsusuri ng pederal na Pangasiwaan ng mga Serbisyo sa Pag-abuso ng Substansiya at Kalusugan ng Isip (Substance Abuse and Mental Health Services Administration), na nagbigay ng mga gantimpala sa agham at serbisyo sa kauna-unahang pagkakataon sa taong ito.

Ang sikologong si Linda Gertson, na nangangasiwa sa programa sa Kagawaran ng Kalusugang Pag-asal ng County ng Ventura (Ventura County Behavioral Health Department), ay nagsabi na ang mga pagsisikap na gamutin ang dalawang uri ng sakit nang magkahiwalay ay sadyang hindi mabisa. Ang isang ito ay gumagamit ng isang pangkat ng mga espesyalista na sinanay sa parehong larangan upang payuhan ang mga tao sa isang lugar, hindi ilipat ang mga ito mula sa isang eksperto patungo sa ibang eksperto at mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.

Ang mga kalahok ay tinatasa na may isang mata sa kanilang karanasan sa parehong uri ng sakit, kabilang ang kung paano nag-uugnayan ang dalawa, sabi ni Gertson.

Ang sistema ay gumagamit din ng isang uri ng pamamagitan na tinatawag na "nagbubunsod na pagpapahusay na panlunas."

Ang ideya ay kumunekta sa mga sariling dahilan ng mga kliyente na maghangad ng pagbabago sa halip na subukang hiyain sila upang tumigil, sabi niya.

"Pumupunta ka kung saan naroon ang kliyente ukol sa pagtulong sa kanila na mahanap ang mga panloob na pinagkukunan ng motibasyon na lumabas sa malupit na pag-inog," sabi niya. "Maraming taon na ang nakalilipas sa ilalim ng modelong Synanon, ang ideya ay hiyain ang kliyente upang tigilan ang pag-abuso sa mga substansiya. Ipinakita ng pananaliksik na ang modelong iyon ay isang malaking kabiguan."

'Nagpapalaki ng pag-inog'

May higit sa 150 taon na ginamot sa programa mula noong 2005. Ito ay tumatakbo ngayon sa mga klinika ng panlabas na pasyente sa Oxnard at Thousand Oaks pero nakatakdang palawakin sa ibang mga lugar ng county sa tulong ng halos $700,000 sa pagpopondo ng estado, sabi ng mga opisyal.

Ang pag-uugnayan ng pag-abuso ng substansiya at sakit sa isip ay madalas na ginagawang kumplikado ng karahasan sa mga buhay ng mga kliyente. Humigit-kumulang na 80 porsiyento ang nakaligtas sa pag-abuso sa bata, karahasan sa tahanan o ilang traumatikong karanasan. Bumaling sila sa droga upang harapin ang kakulangang pandamdamin, pero ay iyon ay maaaring bumalik nang may masamang resulta, sabi ni Gertson.

"Kung ikaw ay nakaranas ng malubhang pisikal o sekswal na pag-abuso bilang isang bata, ang mga hormone ng tensiyon na inilalabas ng katawan ay nakakaapekto sa mga katulad na lugar ng utak na kaugnay ng pag-abuso ng substansiya," sabi niya. "Bumabaling sila sa mga substansiya, pero ang mga droga ay nagpapalala sa pagkabalisa at depression, kaya mayroon kayo nitong malupit na uri ng lumalaking pag-inog."

Ang kaalaman na siya ay may programang pangkaisipan at ukol sa droga ay huli na nang dumating kay Herrill.

Siya ay matinding umiinom at gumagamit ng mga droga sa 35 taon, gumagamit ng mula sa alkohol at marihuwana hanggang LSD, cocaine, methamphetamine at heroin, pero sinabi na ang depression ay hindi tumama hanggang sa pinakahuling anim o pitong taon.

Sumama ang buhay

Siya ay isang mataas-gumanap na sugapa sa mga dekada, nagtatrabaho bilang isang kontratista ng elektrikal na tanda at regular na nagbabayad ng suporta sa anak para sa kanyang anak na babae, sabi niya. Pero ang pabigat ng mga pinsala sa trabaho, mga nabigong relasyon at mga droga ay nagsimulang tumaas.

Ang buhay ay lumala nang malaki noong Pebrero 2006, sabi niya, nang ang dalawang kakilala ay pumasok sa kanyang silid sa isang-silid na otel na tirahan at binugbog siya sa isang pagnanakaw sa bahay. Iyon ay nagbunga ng post-traumatic stress syndrome, iniwan siya na may claustrophobia sa isang silid na puno ng mga tao, paranoia sa gabi at pagkabalisa sa malalakas na ingay, sabi niya.

Nagsimula siyang tumira sa kanyang trak, tatlong beses na naaksidente at "umiinom na parang isda" at gumagamit "ng dami ng heroin na makukuha," sabi niya. Pagkatapos na lubos na pinsalain ang kanyang trak, umarkila siya ng isang van upang magmaneho patungo sa trabaho bilang handyman sa Santa Barbara. Sa daan, siya ay pinatigil, at ang isang patrolman ay nakakita ng heroin at may balang baril na dala niya para sa proteksiyon sa sasakyan, sabi niya.

Pumasok na siya sa paggamot, pero walang trabaho, isang napatunayang felony at walang sasakyan, muli siyang nangako na hindi gagamit ng droga.

Binibigyan siya ng pag-asa

Nadama ni Herrill na siya ay nauubusan na ng mga lugar na pagtataguan pagkatapos na paulit-ulit na pumasok sa mga programang paglilinis ng lason sa katawan at pagbalik sa dating bisyo. Saka isang taon na ang nakalilipas, bumaling siya sa programang dobleng pagsusuri ng county, kung saan pinayuhan siya na pumasok sa Joshua House, isang programang paggamot sa tirahan sa Santa Paula.

Inilabas mula rito noong Setyembre, nagsimula siyang seryosong matrabahong kasama si Keith McCourtney, isang therapist sa programang dobleng pagsusuri. Sinabi ni Herril na siya ay dalawang buwan nang hindi gumagamit ng droga. Indibidwal siyang nakikipagkita kay McCourtney minsan sa isang linggo, umiinom ng gamot para sa depression, dumadalo sa isang grupong sesyon sa pagpapayo at matinding kalahok sa Alcoholics Anonymous.

Si Herrill, na may kapansanan ang katawan dahil sa mga pinsala sa trabaho, ay nagsabi na napakaaga pa sa kanyang paggaling upang magtatag ng mga bagong hangarin. Pero sinisikap niyang linisin ang mga negatibong bagay sa kanyang buhay at muling makuha ang ilan sa kasiyahan na minsang natagpuan niya sa mga dating pinahahalagahan tulad ng musika.

Sinabi niya na ang diin sa programa sa pareho ng sakit sa isip at pagkasugapa sa droga sa iisang lugar ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa.

"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging komportable ako sa aking sariling balat sa nakalipas na anim o pitong taon."

Pinagkunan: Ventura County Star

Link: http://www.venturacountystar.com/news/2007/dec/15/substance-abuse-mental-illness

 
Tahanan  |  NAMI National  |  California DMH  |  Mga Tadhana Ng Paggamit  |  Web Site Help